Saan man tayo naroon...saang lupalop man ng mundo dinala ang ating mga sarili...sana hindi tayo maging limot sa diwa ng karanasang ipinamalas sa atin ng ating mga ninuno daang daang taon na ang nakalipas. Maaaring isang sirang plaka na nga itong paulit-ulit na pagugunita sa kasaysayan subalit mainam itong gamot sa paulit-ulit ding hindi pagkatuto sa mga aral nito.
Maligayang araw ng kalayaan kabayan! Sana'y hindi limot ng panahon at kasalukuyang kaganapan ng ating buhay ang pamana ng mayaman nating kasaysayan. Sana'y bitbit natin saan man tayo naroon ang lahat ng alaala nito at maging gabay sa pang araw-araw pang gawain natin.
Higit sa lahat sana'y maging bahagi parin ang kasaysayan nating ito ng mga bagong henerasyong hindi nasilayan ang bukang liwayway ng Perlas ng Silangan sa kanilang pagsilang. c")
No comments:
Post a Comment